Philippine Information Agency
26 Mar 2020, 15:08 GMT+10
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mar. 26 (PIA) -- Pinaiiral ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang Executive Order No. 56 bilang mahigpit na pagtalima sa idineklarang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Malacanang, bunsod ng paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Pangunahing itinatakda ng EO 56 ang 24-hour curfew sa buong probinsiya upang mapanatili ang mga mamamayan sa loob ng kanilang tahanan. Ayon kay Dr. Ma. Teresa Tan, Provincial Health Officer, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19), ang pananatili sa bahay ang nakikita ng mga eksperto na pinakamabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat nito. Sa kabila ng curfew, pinapayagan naman aniya ang isang miyembro ng pamilya na makalabas upang bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Mahigpit namang ipinagbabawal ng EO 56 na umalis ng bahay ang mga senior citizen at mga may karamdaman, tulad ng diabetes, hypertesion, sakit sa puso at iba pa. Ayon kay Dr. Lords Mesina ng Municipal Health Office ng San Jose, karaniwang mahina ang immune system ng mga ito kaya lubhang mapanganib na mahawahan.
"Mas madali silang kapitan ng COVID-19, at posibleng maging mas malubha ang kanilang karamdaman, magkaroon ng mga komplikasyon, at maging sanhi ng pagkamatay," paliwanag ni Dr Mesina.
Sa ilalim pa rin ng lokal na kautusan, mas pinahigpit pa ang pagbabantay sa paliparan at mga pantalan sa lalawigan kung saan ang mga pinahihintulutan lamang makapasok ay mga uniformed personnel na may opisyal na pakay, mga magdadala ng gamot at medical supplies, at mga maghahatid ng tulong o ayuda sa probinsya.
Ipinaliwanag naman ni Mario Mulingbayan, OIC-Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na bagama't itinatagubilin ng pamahalaang nasyunal na huwag pigilan ang biyahe ng mga cargo trucks na may dalang mga gamot at pagkain, nagdagdag ng patakaran ang pamahalaang panlalawigan. Aniya, hindi papayagang makapasok ang drayber at pahinante ng mga delivery truck galing sa labas ng lalawigan.
"Hanggang sa pantalan ng Abra de Ilog lamang sila, ididisinfect ang kanilang truck at papalitan sila ng drayber at pahinante na galing sa loob ng lalawigan," saad ni Mulingbayan. Mananatili aniya sa pantalan ang mga ito habang hinihintay makabalik ang kanilang truck. Sa pamamagitan ng ganitong sistema, dagdag ng opisyal mas mapu-protektahan ang probinsiya mula sa pagpasok ng sinuman na posibleng nagtataglay ng nakamamatay na virus.
Maliban sa Matabang Port sa Abra de Ilog, mahigpit din ang pagbabantay sa Caminawit Port sa San Jose, Agkawayan Port sa Looc, Tilik Port ng Lubang at Sablayan Port sa Sablayan.
Samantala, isinasaad din ng EO 56 na bawal mamasada ang mga traysikel, bus at iba pang lokal na transportasyon sa alinmang munisipalidad sa Occidental Mindoro. Pinapayagan namang magbukas ang mga establisimyentong nagtitinda ng pagkain, gamot, agricultural supplies at fishery, water-refilling stations, banko at iba pa.
"Ang mga ito ay kautusan ng ating pambansang pamahalaan at ito rin ang ipinatutupad natin sa lalawigan," ayon pa kay Mulingbayan.
Nakikiusap ang opisyal sa mga residente ng lalawigan na sundin ang mga ipinatutupad na kautusan upang malampasan ng lahat ang problemang hatid ng COVID 19.
"Pagsunod ang pinakamabisang aksyon at siyang inaasahan ng ating mga namumuno kaya sana manatili na lang tayo sa ating mga bahay at sakaling lalabas sumunod sa social distancing," pagtatapos ni Mulingbayan.
May bisa ang EO 56 hanggang ika-14 ng Abril. (VND/PIAMIMAROPA)
Get a daily dose of Philippine Times news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Philippine Times.
More InformationATLANTA, Georgia: The United States is facing its worst measles outbreak in more than three decades, with 1,288 confirmed cases so...
In the past month alone, 23 Israeli soldiers have been killed in Gaza—three more than the number of remaining living hostages held...
LONDON, U.K.: At least 13 people are believed to have taken their own lives as a result of the U.K.'s Post Office scandal, in which...
WASHINGTON, D.C.: Travelers at U.S. airports will no longer need to remove their shoes during security screenings, Department of Homeland...
WASHINGTON, D.C.: An elaborate impersonation scheme involving artificial intelligence targeted senior U.S. and foreign officials in...
SLUBICE, Poland: Poland reinstated border controls with Germany and Lithuania on July 7, following Germany's earlier reintroduction...
REDMOND, Washington: Artificial intelligence is transforming Microsoft's bottom line. The company saved over US$500 million last year...
WASHINGTON, D.C.: A federal rule designed to make it easier for Americans to cancel subscriptions has been blocked by a U.S. appeals...
BASTROP, Texas: In a surprising turn at Elon Musk's X platform, CEO Linda Yaccarino announced she is stepping down, just months after...
NEW YORK CITY, New York: Former British prime minister Rishi Sunak will return to Goldman Sachs in an advisory role, the Wall Street...
LONDON, U.K.: Physically backed gold exchange-traded funds recorded their most significant semi-annual inflow since the first half...
AMSTERDAM, Netherlands: Some 32 percent of global semiconductor production could face climate change-related copper supply disruptions...