Philippine Information Agency
13 Aug 2019, 14:08 GMT+10
LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 13 (PIA)- Mahigit sa 1,300 bag ng dugo na may 450cc bawat isa ng ang nakolekta sa magkasunod na Blood Olympics na isinagawa ng Batangas Provincial Blood Council (BPBC) sa lungsod ng Tanauan at bayan ng Calaca.
May 807 bags ang nakolekta sa isinagawang Blood Olympics sa Tanauan City kung saan nakipagtulungan ang BPBC sa pamahalaang lungsod at ABS CBN Blood Donation Project na ginanap sa Tanauan Gymnasium noong Hulyo 31,2019.
Sa mensahe ni Mayor Angeline Halili, sinabi nito na suportado niya ang mga ganitong aktibidad sapagkat ito ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa mga Tanauenong maysakit kundi maging sa ibang mga Batanguenong nangangailangan.
Ayon naman kay Dr. Noel Pasion, kinatawan mula sa Department of Health Region IV-A, ang lalawigan ng Batangas ay regular ang ginagawang blood donation projects kung kaya't naabot na nito ang 1% requirement ng population at nahigitan pa.
"Binabati ko ang mga bumubuo ng Batangas Provincial Blood Council dahil sa masigasig na pagsasagawa nila ng ganitong aktibidad, mas maraming tao ang maaaring makinabang dito lalong lalo na ang mga higit na malaki ang pangangailangan sa dugo," ani Pasion.
Nagkaroon din ng libreng eye check-up, libreng gupit at mobile kitchen na hatid ng ABS CBN.
Samantala, sa ginanap na Blood Olympics sa bayan ng Calaca noong Agosto 7, 2019 nakakalap ng kabuoang 552 bags.
Sa mensahe ni Dr. Sharon Ona, pinuno ng Calaca RHU, sinabi nitong regular na ginagawa ng kanilang tanggapan ang ganitong aktibidad upang mas maraming iba't-ibang uri ng dugo ang makolekta at makatugon sa anumang pangangailangan lalo na ng mga maysakit at iba pa.
"Hinihikayat ko po ang lahat na mag-donate ng dugo dahil ito po ay makakabuti sa ating katawan, mas lalo pong nagiging malusog ang isang tao at mas masigla kapag siya ay nagdonate ng dugo dahil napapalitan ang lumang dugo sa kanilang katawan. Sana po maging regular na adbokasiya ito ng mga Calaqueno, maging ang mga empleyado po ng pamahalaang lokal ay hinahangad naming gawing practice ito para sa mas magandang kalusugan," ani Ona.
Ang Blood Olympics ay regular na blood donation project na isinusulong ng BPBC upang makakalap ng sapat na bilang ng dugo na magagamit ng mga maysakit na Batangueno at maging tag-ibang lugar. Iba't-ibang ahensya ang nakikibahagi dito tulad ng Philippine National Red Cross, Batangas Medical Center, Provincial Health Office, mga lokal na pamahalaan at marami pang iba.
Kamakailan ay ginanap ang Sandugo Awards kung saan ang bayan ng Calaca ay may 2018 target na 877 bag ng dugo ngunit nalagpasan nila ito at nakakolekta ng 1,448 na bag. Ang Tanauan City naman ay may 2018 target na 1,858 bag ay nakakuha ng 2,153 bag ng dugo. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)
Get a daily dose of Philippine Times news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Philippine Times.
More InformationWARSAW, Poland: Deputy Prime Minister Krzysztof Gawkowski confirmed over the weekend that Poland has been covering the cost of Ukraine's...
Israel sustained the West's support for its slaughter in Gaza for 15 months only through an intensive campaign of lies. It invented...
WASHINGTON, D.C.: The Pentagon announced this week that it will cut 5,400 jobs as part of President Donald Trump's plan to shrink the...
SACRAMENTO, California: California Governor Gavin Newsom is urging Congress to approve nearly US$40 billion in federal assistance to...
WASHINGTON, D.C.: A U.S. government scholarship program designed to help students from underserved and rural areas attend historically...
WASHINGTON, D.C.: A proposed 10 percent U.S. tariff on oil imports could deal a US$10 billion annual blow to foreign producers, particularly...
LONON, U.K.: British Petroleum is set to abandon its ambitious renewable energy expansion targets in favor of a stronger focus on fossil...
WOLFSBURG, Germany: Volkswagen is strengthening its push into China's electric vehicle (EV) sector by partnering with CATL, the world's...
NEW YORK, New York - U.S. stocks floundered on Thursday as new trade tariffs were imposed, and those paused were given the green light. ...
LONDON, U.K.: Despite regulatory efforts, unauthorized disposable vapes continue to dominate a significant portion of the U.S. e-cigarette...
WASHINGTON, D.C.: As the deadline for new U.S. steel and aluminum tariffs approaches, manufacturers across the country are already...
BRUSSELS/LONDON: The European Commission is preparing to ease sustainability reporting requirements for businesses as part of a broader...